Wednesday, January 30, 2013

Upuan

A. Pagsusuri sa Pamagat:
       Ang pamagat ng kanta na "Upuan" ay ibinatay ayon sa mga inuupuan ng mga mayayaman o politician sa kanta.

B. Pagkilala sa Author:
       Ang may-akda o ang gumawa ng kanta ay si Aristotle Pollisco, kilala sa tanyag na pangalan na "Gloc 9", ay isa sa mga pinaka-sikat na rapper sa Pilipinas.

C. Pagsusuri sa Tagpuan kung nabanggit:
       Ang tagpuan sa kanta ay ang isang bahay ng mayaman at nilarawan din ang bahay ng mahihirap sa kanta.

D. Paglalarawan ng mga tauhan kung nabanggit:
       Ang mga tauhan sa kanta ay:
  • Isang mayaman na lalaki- Lalaki na laging naka-upo sa upuan.
  • Isang mahirap na lalaki- Mahirap lamang na lalaki na gusto bigyan ng mensahe ang mga mayayaman tungkol sa dinadanas na buhay ng mga mahihirap.
E. Pagsusuri sa Paksa:
      Ang paksa sa kanta ay tungkol sa mayaman na lalaki na nakaupo o mga politician, kasabay nito ang kuwento ng buhay ng mga mahihirap.

F. Pagsulat ng Personal na reaksyon:
      Lubhang nakaka-lungkot ang paksa ng kanta dahil sa mga mahirap na dinadaanan ng mga mahihirap. Samantalang ang mga politician ay nakaupo lamang at tinitingnan lang ang kahirapan.

1 comment: