Ang pamagat ng kanta na "Upuan" ay ibinatay ayon sa mga inuupuan ng mga mayayaman o politician sa kanta.
B. Pagkilala sa Author:
Ang may-akda o ang gumawa ng kanta ay si Aristotle Pollisco, kilala sa tanyag na pangalan na "Gloc 9", ay isa sa mga pinaka-sikat na rapper sa Pilipinas.
C. Pagsusuri sa Tagpuan kung nabanggit:
Ang tagpuan sa kanta ay ang isang bahay ng mayaman at nilarawan din ang bahay ng mahihirap sa kanta.
D. Paglalarawan ng mga tauhan kung nabanggit:
Ang mga tauhan sa kanta ay:
- Isang mayaman na lalaki- Lalaki na laging naka-upo sa upuan.
- Isang mahirap na lalaki- Mahirap lamang na lalaki na gusto bigyan ng mensahe ang mga mayayaman tungkol sa dinadanas na buhay ng mga mahihirap.
Ang paksa sa kanta ay tungkol sa mayaman na lalaki na nakaupo o mga politician, kasabay nito ang kuwento ng buhay ng mga mahihirap.
F. Pagsulat ng Personal na reaksyon:
Lubhang nakaka-lungkot ang paksa ng kanta dahil sa mga mahirap na dinadaanan ng mga mahihirap. Samantalang ang mga politician ay nakaupo lamang at tinitingnan lang ang kahirapan.